

ANG KASIYAHAN AY IKAW

Nagsimula ang lahat sa pagmulat ng mata, nung ako ay bata pa. nakilala ka at tinanggap, sa paraang ‘di ko pa masabing natatandaan ko pa, sino ka nga ba?
Nung bata pa ako kasiyahan ko na ang maglaro at lumabas ng bahay. Hindi ako nakakaramdam ng kakulangan. Puno ng pagmamahal at kapayapaan ang buhay para sa akin. Hindi na ako humihiling ng anu pa man. Ramdam ko na ang lahat ng bagay ay meron ako. Pamilyang buo, may pagkakaisa at mabuting samahan. May panahon ng paggagala at pagsasaya, panahon ng pag-aaral at pagpapahinga. Walang bagay na mahirap na sa aming magkakapatid ay pinaranas ng aming mga magulang. Sa lahat ng oras masaya ang buhay ng pagiging bata. Hindi ka nag-iisip ng problema,hindi ka nag-aalala kung may problema ang pamilya. Hindi ko inisip na ang lahat ng meron ako ay dapat pahalagahan. Wala akong ginawa kundi humingi ng mga bagay na gusto ko, at siyang binibigay ng mga magulang ko. Masasabing waldasero ako, hindi ako nag-iisip sa pagod at hirap ng mga magulang.
Sa pagdaan ng panahon, nagbago ang lahat pananaw at ugali, na limutan ang pagiging bata. Dala ng pagtanda ang kaalaman sa mundo ay lumawak, naisip ang mga kulang at humiling ng mga bagay na makamundo. Siguro ay dahil rin sa paglaki ko kaya ako ganito. Sa pagdating ng mga problema madali akong nawalan ng pag-asa, hindi ko naisip na masaya ang mabuhay, puro kakulangan ang daing ko. Sa mga panahong ‘yon walang nasa isip kun’di ay paano ang bukas? Kelan ba ako makukuntento at sasaya? Sa pagkawala ng aking mga luho , pagkukulang sa pera nagging matipid at mapagtago ako. Hindi ko iniisip ang iba,basta meron ako. Nagging mapusok at mapag-isa ako. ‘di ko na ramdam na may mga taong nagmamahal sa akin. Nakilala ko ang mundo na puno ng galit at lungkot. Ang panahon ay dumaan na hindi pansin ang ligaya, lungkot lang ang nadarama. Tumigil na ako sa pag-asang may darating pang kasiyahan sa buhay.
Dumating sa panahong ako ay naghahanap ng pagmamahal, sa mga taong alam kong mamahalin din ako. Ngunit sa kawalan ko ng pagmamahal sa sarili ko nasaktan ako ng lubusan. Paulit-ullit, at ang lahat ay nawala. Nakadama ng kasiyahan sa isang taong hindi ko inaasahang matatagpuan ng pagmamahal. Kasiyahan ay nakita at hindi nag-iisip kung ito ba ay mawawala. Nagging masayahin ako at wlang inisip kung hindi ang saming dalawa. Dumaan ang panahon nagbago ang lahat, sobrang sakit ay nadama, ‘di ko na malaman kung saan kukuha ng lakas para mabuhay.
Isang gabing ako’y mag-isa, tinanong kita “bakit ganito ang lahat, ito ba ang mundo?” sabay sa pagluha ng mata, nakita kita sa aking imahinasyon, naghalo ang pakiramdam ng saya at lungkot. Hindi mapigilan ang luha, sa pag-iyak naramdaman ko ang katahimikan ng puso at paggaan ng pakiramdam at nasabing “malungkot ang mundo kung wala ka.” Kung hindi dahil sa’yo ano pa nag kasiyahan ko? Naalala ang mga taong matagal ng nagbibigay ng halaga sa akin, ang aking pamilya. Sa kanila ipinakita mo sa akin na ang buhay ay di makasarili. Ako ang nagkamali hindi ko pinakita ang pagmamahal sa sarili kong buhay.
Dahil sayo natuto akong magtiwala sa mga taong nagmamahal sa akin, natuto akong magmahal sa paraang tinuro mo. Nawala ang pagiging makasarili at ang pagiging mapagbigay ang nangibabaw sa akin. Nabago ang lahat, nakitang may liwanag sa mundo at hindi lang lungkot. Ikaw ang kasiyahan na nakita sa mga ngiti ng iba. Nabubuhay ka sa lahat ng may buhay sa mundo, kahit ano, at kahit sino. Natuto akong magmahal at magtiwala sa iba. Nagkaroon ng pagkamulat sa mga bagay na dapat kong makita sa mga bagay na dapat noon pa’y alam ko na. Nakita sayo na kahit madaming problemang dumaan ay may pag-asa pang makikita. Hindi ako nag-aalala kung paano ang bukas dahil mas mahalaga ang magampanan mo ang dapat mong gawin sa araw na ito, at ikaw na ang bahalang gumabay sa akin bukas. Ikaw nga ay habang-buhay na kasama at hindi mawawala, dumaan man sa pagkabulag ng mata sa mga problema, ikaw ay nariyan para gumabay kung kinakailangan. Paggising sa umaga pasalamat ko sayo ay sobra, dahil panibagong umaga ang sa akin ay iyong dala. Hinawakan mo ako at ginabayan sa bawat kong hakbang, ipinakita mo sa akin kung ano ang halaga ng pamilya at ang hindi matatawarang kasiyahan kasama sila.
Ikaw ang kasiyahang hindi nawawala. Nung bata pa ako hindi kita maramdaman, o makita man lang, hindi kita naiisip, kahit minsan sa aking kabataan hindi ako nagtanong kung na saan ka. Ngayon nakilala ka sa tamang paraan at sa aking wastong gulang, dito ko naramdaman ang kahalagahan na ikaw ay aking kilala. Isang kaibigan, kapatid, at gabay. Ikaw ang kasiyahang nabubuhay sa puso ng lahat.
Sayo ang lahat nagmula, ang pag-ibig at kapayapaan, pag-asa at tiwala. Sa lahat ng oras nariyan ka, sayo ang kasiyahan ay walang katapusan. Ngayon ang tiwala ko ay sayo. Hindi na ako mawawalan ng kasiyahan, dahil ikaw ang aking kasiyahan, mula noon hanggang ngayon.
Isa lang ang kailangan ng tao upang maging masaya. Ito ay ang pagmamahal ng Diyos na sa bawat isa ay napapaloob. Sa iyong pamilya at sa lahat ng nagmamahal sayo. Mahalin ang sarili upang makapagbigay ng pagmamahal sa kapwa. Ang pagmamahal ay hindi pagdurusa, ito ay kusang loob na pag-aalay ng sarili sa ibang tao na pinahahalagahan mo.







