top of page

This is Way Living the Life I Want.....

  • Feb 8, 2016
  • 1 min read

Minsa’y sumagi sa isip ko…….;

Na lilisanin ko ang lahat ,

At maglaho na parang bula,

Tapos ay magbalik sa ibang katauhan,

Sa isang malayong baryong malapit sa dalampasigan

Maninirahan sa isang bahay kubo,

O kaya’y sa isang malamig at madilim na kuweba,

Sa loob ng aking kuweba .. wala ni isa….. wala kahit kama…

Dahil ito ang lugar kung saan makakapagdasal at makakapaghinga ako,

Sa panahong pagod na ako….

Paminsan minsan lalabas ako sa bago kung tahanan

Para gumawa nang mabuti at mainam…….

At makapakinig sa isang nalulungkot na tao

Habang ikinukweto niya ang mahabang istorya ,,

Kung paano siya tinalikuran at nasugatan,

Niyarukan at tinapon na parang basahan

At siguro para makapagturo sa mga kabataan.

Kung paano magbasa, sumulat at mag-isip,

At paano mahalin ang diyos at kanilang magulang

Paano maging ganap at kalugud-lugud sa lahat,

At marahil para maupo sa tabi ng isang maysakit at nawalan ng pag-asa

Na nagdurusa sa kirot at bigat niyang dala-dala,

At maging kuntento na lang sa pagkakilala

Sa mga maliliit at di kinikilala,

Tulad ng mga batang nasa kalye, taong walang malay…

At taong wala sa sarili.

Pero doon sa loob ng malamig at maparang na kwebang iyon….\

Mananahan ako….

Hindi man ako magtatagal sa loob ng aking tahanan

Maikling panahon na lamang.. at tapos…. Tapos

Tiyak haharapin ko na ang kamatayan,

Sa lugar na iyon mahahanap ko ang bihirang pagkakataon

At madama ang katahimikan at katotohanan

Para sa wakas matuklasan ko ..

Kung sino talaga ako …

At sino ang tagapaglikha…

Diyos at tagapagligtas…

At marahil maging handa sa kamatayan

At mahanap ang aking kapayapaan…..

Na lilisanin ko ang lahat ,


 
 
 

Comments


Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Clean
  • YouTube Clean
  • Twitter Clean
  • Instagram Clean

FOLLOW US HERE: 

  • Facebook Clean
  • Twitter Clean
  • Instagram Clean
  • YouTube Clean

VISIT THE OFFICIAL IVAN DE JARES WEBSITE:

IVANHARESCO.COM

© 2023 by IVAN DE JARES

bottom of page